Thursday, January 21, 2010

TO CONSOLE

               Parang pumapalo sa aking katawan ang mainit na sinag ng araw mula sa butas-butas na bintana ng aming bahay na naging dahilan ng pagkakagising sa mahimbing kong pagkakatulog.Isang malakas na bulaslasan ng paguusap ang aking napagtanto sa labas ng munti naming bahay.Maliit na pagpupulong ang kay aga nilang isinasagawa.Marahil tungkol sa matagal ng problema ng bansa,paghina ng ekonomiya at samu"t saring halaga ng pagkakautang ng bansa.Dahil sa halos lahat ng lumalabas sa kanilang bibig ay pawang kakulangan sa salapi,pagkain at kung anu-ano pa.Naalala ko tuloy noong araw na maayos pa ang aming pamumuhay palaging nasa palengke si Inay kaya saulado niya ang pagtaas ng bilihin,pati nga ang pagtaas ng presyo ng pamasahe.nakakatuwa di ba?Hay bakit kaya tayong mga pilipino puro reklamo sa mga tinatamasa ng bansa dapat nga makiisa pa tayo o kaya kung di man tayo kagad na tutulungan ng mga nakakataas eh bakit hindi na lang tayo ang gumawa ng sariling mga desisyon,sabi ko nga bakit ganito ang mga nangyayari sa ating pamumuhay marahil dahil sa di pagkakaunawaan ng ilang kumakatawan sa atin.Bakit,paano natin mapapaunlad ang buong bansa kung itong naatasang mamuno sa atin eh di na kayang paunlarin..Sabi nga ng ate ko "TWO HEAD IS BETTER THAN ONE"..Marahil ilan sa inyo ay di masyadong nauunawaan ang nais kong ipahayag.

          Maraming nagsasabing kung magtutulungan lang tayong mga pilipino eh uunlad tayo...Kung pulos salita lamang ang nais na ipahayag natin wala itong mararating..,Naalala ko ang ilan ko ng mga kamaganak na nagpuntang ibang bansa,.marami-rami na rin.Isa na don ay ang aking tatay kung bubuoin ang mga pagkakataon na nandon sya marahil matagal tagal na rin mga seven years na its been too long for us na mawalay ng ganong katagal sa piling ng magulang pero dahil nga walang magawa ang mga nasa matataas na posisyon hayon sya ngayon nagpapakapagod sa piling ng ibang at di nga kaanu-ano just to save our family.Biro nyo di lang sya marami pa,napakarami pang mga pilipino ang nasa ibang lugar mabuhay lang ang opinyon nila dito sa atin walang mararating.Sabi ko naman sa tingin ko hindi,nasa pagsisikap din yon..Puro sila reklamo wala naman silang ginagawa para umasenso.Naalala ko dati ng magsimba ako nakakita ako ng isang nanay na nagtitinda ng sampaguita nakakaawa talaga dahil sa gitna ng init eh nagpapakasasa sya sa pagtitinda pero nagulat ako nakacellphone sya ..nakakatuwa di ba?
May mga tao talagang walang pakialam sa mga nagaganap sa kanilang kapaligiran.May ilang mga pulis na nakaupo,nagbabasa kasabay ng paghigop ng mainit na kape at nakataas pa ang paa..samantalang ang ilang tao ay nangangailangan ng kanyang tulong..Ang ilang senador ay patuloy sa pagtatalo dahil sa mga "states visit" habang ang ilan nating mga kababayan eh sinasalanta ng bagyo.Tapos nandyan na naman ang eleksyon di ba kayo nagsasawang maghirap,iboboto nyo ang di nararapat dahil sa mga ibinayad sa inyo.Tapos pagnakaupo na itong iyong inihalal eh saka kayo magsisi.


         Yan talaga ang isa pang napakatagal nang problema ng ating bansa "flying voters"..Kakaiba talaga mayrong mga pilipinong di na alam kong saan ilalagay ang karangyaang ngayo'y kanilang tinatamasa,samantalang ang iba'y halos mamatay na sa pagsisikap.Minsan di natin maintindihan parang sinasadya ng pagkakataon.ang dami kong katanungan ngunit ang tanging sagot dito ay,ewan....Lahat tayo ay may kanya- kanyang interes at mithiin,merong ilan sa atin na todo sa pangarap mayrong gustong makaranas na makatungtong sa isang napakagandang puwesto sa isang opisina.Sana lang habang maaga pa eh napupunan natin ng pansin itong ating mga simpleng pangarap ang ating puhunan upang simulan ang simpleng buhay.

              Kakaibang mangarap ang mga pilipino ilan sa atin ay di sinusuring mabuti ang paraan upang matahak ang mga pangarap na ito.Di nila nalalaman na mahirap tahakin ang kaligayahan sa ibat-ibang paraan kaya nga sabihin ng ina mahirap maging isang pilipino.Ang bansang pilipinas ay di hari sa karangyaan ngunit hari sa kalayaan.Ilang pagsubok na ang nalampasan ng ating nga ninuno,ang pananakop ng hapon,kastila,at maging sa amerikano.Kay dami na ring buhay ang itinaya para sa sariling kalayaan.Pero bakit ganito ang hinaharap nating mga pilipino simpleng pagpapaunlad ng saariling bansa eh di natin magawa-gawa.Nakakatuwa di ba?Kapag naaalala ko ang palaging pagwewelga ng tao laban sa nakakataas,sa tuwing maaalala ko ang ilang mga broadcaster na pinapatay,ang pagpapasabog ng mga rebelde sa iba't-ibang parte ng bansa,at ang di pagkakaunawaan ng ilang miyemro sa bahay.Iba-iba man ng prinsipyo,katayuan at mithiin sa buhay palagi pa ring nagpapaalala sa atin na itong bansang ito ay ipinaglaban na natin.Hay nakakasakit ng ulo ang artikulong ito pulos problema ang hinain pero buo ang diwa ng pagiging pilipino.Sana naging munting bata na lang ako para di ko na inisip ang mga bagay na ito.

        Sa totoo nga eh masarap ang maging bata,walang masyadong isipin kundi ang pagsakit ng ngipin,na ang katapat lang eh ang pagkain ng surbetes hay...kapag bata ka,.ang tangi ko lang iniisip eh ang mag pangarap mo sa iyong paglaki..ang maging presidente di para magsagawa ng corruption kundi ang mapangalagaan ang iyong sinasakop,o kaya naman ang maging abogado di para papagsinungalingin ang mga acesories of the crime upang maipagtangol ang sarili at upang maiwasan ang nagawang kasalanan kundi ipaglaban ang katotohanan.Sana nga lahat na ng tao ay di tumatanda upang hindi aga agang namumoblema..Siguro kung mangyayari ito eh di na iintindihin ng lahat ng tao ang nangyayari,pati si inay di na mamememorize ang pagtaas ng bilihin at presyo ng pamasahe.Di ko rin mapapansin ang nanay na nagtitinda ng sampaguita na nakacell,at ang mga pulis na walang ginawa kundi ang umupo at itaas ang paa sa gitna ng kaguluhan..Hay siguro tama na 'to para maintindihan ng ibang tao ang kahalagahan ng buhay.Ngayon sa tingin ko eh nakatulong naman ito sa ilan kong mga kababayan upang ipaglaban ang kani-kanilang mga pangarap.A,basta ngayon alam ko na lahat ng tao lumalaki at nagkakaron ng isip...hay..

No comments:

Post a Comment


ShoutMix chat widget